^

Metro

Biktima ng serial rapist sa Caloocan umabot na sa 17

Ramil Bajo, Rey Galupo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pito pang kababaihan ang lumutang sa loob lamang ng isang linggo at pawang nagharap ng kasong rape laban sa 42-anyos­ na tinaguriang serial rapist­ sa Caloocan ang na­dakip kamakailan

Dahil dito, umaabot na sa 17 ang pormal na nag­harap ng kaso laban dito.

Hanggang kahapon, nasa siyam na kaso na mula acts of lasciviousness  at rape ang naisampa sa iba’t ibang korte sa Caloocan at Bulacan laban kay Albert Biol.

“Matapos na ma­aresto si Biol, nagsilu­tangan na ang mga naging biktima. Dito ma­kikita ang laki nang nagawa­ nitong krimen,” pa­hayag ni PO3 Alcee Jumaquio­, may hawak ng kaso.

Sa siyam na com­plainants, dalawa rito ang menor de edad, apat ay may asawa o kinakasama, isa ay service crew ng isang kilalang food chain, isa ay therapist at ang isa ay 18-anyos na estudyante.

Idinagdag pa nito na maging ang iba pang na­ging biktima ay nagpahayag na rin ng kanilang intensyon na magsampa ng kaso.

Magugunitang si Biol ay nadakip matapos itong manloob sa isang bahay sa Bankers Drive, Bankers Village kung saan pinatay pa nito ang biniktima. Natunton ng pulisya si Biol sa Bernardino Hospital habang nagpapagamot dahil sa sugat sa ulo makaraang manlaban  ang kanyang biniktima.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon dito na may kinalaman sa panlo­loob at pagpatay ay naglu­tangan na agad ang may 10 kababaihan na positibong nagturo sa suspects na siyang humalay sa kanila sa iba’t ibang insidente noong nakaraang buwan.

Nabatid na nagpapanggap itong balut vendor habang naghahanap ng kanyang bibiktimahin. Kapag nasiguro nito na nag-iisa ang babaeng biktima kumakatok ito sa bahay at saka doon magdedeklara ng holdap. Madalas ay kanya pang hinahalay.

vuukle comment

ALBERT BIOL

ALCEE JUMAQUIO

BANKERS VILLAGE

BERNARDINO HOSPITAL

BULACAN

CALOOCAN

DAHIL

DITO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with