^

Metro

Tauhan ng MTPB, towing company inireklamo ng Koreano

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong robbery ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at towing personnel sa reklamong inihain ng isang motoristang Koreano­ na nawalan ng P250 libo nang pakialaman ang kanyang Sports Utility Vehicle (SUV) at hatakin ng towing truck habang nakaparada sa bahagi ng Mabini St., Malate, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Sa reklamo sa MPD-Ge­neral Assignment and Investi­gation Section, isinalaysay ng biktimang si Minjin Park, 38, nanunuluyan sa Tambo, Parañaque, na dakong alas- 3:10 ng hapon noong Huwebes ay bigla na lamang hinatak ang kanyang SUV na nakaparada sa may Mabini St., gayung pansamantala lamang siyang humimpil dahil nagpalit lamang siya ng dolyar sa Edzen money changer na nasa tapat lamang.

Nakita umano ng biktima ang paghatak ng kanyang sasakyan ng may 8 katao, na sa huli ay kinilalang sina Rodrigo Villena, Elson Minador, Christopher Boradi, Arnel Neves, Lyci Ico, David John Calixto, Roy Reyes, at isa pang hindi nakikilalang towing personnel.

Nagpalit siya ng dolyar sa peso cash na inilagay niya  sa bag na nasa kotse sa halagang P250,000 na nawala.

Iimbestigahan ng MPD-GAIS ang insidente at nagpakuha na rin ng kopya ng nakunan ng closed circuit television (CCTV) na naka­kabit sa lugar upang makita ang kaganapan sa oras na itino-tow ang SUV ng biktima.

Bukod pa sa nagreklamong Koreano, lumutang din ang  truck driver na si Mauro Montano, empleyado ng Watch Cargo Movers laban sa mga nasabing towing  MTPB na bumugbog sa kanya sa tapat ng Adamson University, sa Ermita, Maynila dakong alas- 10:30 ng gabi, kamakalawa nang pumalag sa itino-tow na truck.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ARNEL NEVES

ASSIGNMENT AND INVESTI

CHRISTOPHER BORADI

DAVID JOHN CALIXTO

ELSON MINADOR

KOREANO

LYCI ICO

MABINI ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with