^

Metro

Hinulog ng solvent boys Adamson student, 6 na araw sa manhole

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinaniniwalaang pinagtripan ng  lima hanggang pitong solvent boys  ang isang estudyante ng Adamson University nang itapon sa manhole na tumagal ng halos isang linggo sa Intramuros,  Maynila.

Batay sa  report  ng security guard na si  Kenneth Minez, ng RJC Security­ and Investigation Agency, nasa Gom­burza 2 siya nang dakong ala-1 ng madaling-araw ng Nob­yembre 23 nang  marinig niya ang paghingi ng tulong ng biktimang si Carl Francis Abarro, 18, ng Tondo, Maynila.

Sa salaysay umano ng biktima, Nob­yembre 17, bandang alas-6:30 ng gabi nang harangin siya ng mga solvent boys sa Gomburza St.

Dito ay binully siya ng mga solvent boys at pagkatapos ay pinag­tulungang inihulog sa manhole.

Nang matantiya umano ng biktima na wala na ang solvent boys  ipinasya na nitong  sumigaw ng tulong na nakatawag pansin naman  kay Minez.

Nabatid na walang anumang  pagkain at inumin ang  biktima habang nasa loob ng  manhole.

Mabilis namang na-rescue ang biktima at dinala sa ospital.

Nabatid na pitong araw na ring hinahanap  ang biktima ng kanyang pamilya.

 

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

BATAY

CARL FRANCIS ABARRO

GOMBURZA ST.

INVESTIGATION AGENCY

KENNETH MINEZ

MAYNILA

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with