^

Metro

IT consultant kritikal sa kawatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang 26-anyos na Tsinoy habang sugatan din ang ina nito makaraang hampasin ng magnanakaw gamit ang dumbbell sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng mada­ling-araw sa Valenzuela City.

Nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang biktimang si Christopher Sy Co, 26, Information Technology consultant, ng Brgy. Arkong Bato St. habang isinugod naman sa Valenzuela General Hospital dahil sa sugat sa mukha ang nanay nitong si Virginia Sy Co.

Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na si John Labitag “Bikol” Du­gan, 20, tubong Casiguran, Sorsogon, helper at naninirahan sa Hernandez Compound, Bangcal, Meycauayan City, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, na­gising si Christopher sa kaluskos na nanggagaling sa ikalawang palapag ng kanilang bahay kaya sinuri nito.

Naaktuhan ng biktima ang suspek na abala sa pag­hahalughog sa isa sa mga kuwarto. Subalit naunahan si Christopher ng suspek na pinalo ng dumbbell sa ulo habang sinapak naman sa mukha ang ina nito na si Virginia. 

Matagumpay na nakatakas si Dugan bitbit ang mini-component at bag na naglalaman ng P3,500 cash.

Nagsagawa naman ng operasyon ang pulisya laban sa suspek na sinasabing nagtatago sa Bulacan.

vuukle comment

ARKONG BATO ST.

BULACAN

CHRISTOPHER SY CO

HERNANDEZ COMPOUND

INFORMATION TECHNOLOGY

JOHN LABITAG

MEYCAUAYAN CITY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with