^

Metro

Hubad na lalaki, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang hubad na lalaki ang natagpuang nakabigti sa puno ng acacia malapit sa isang creek sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa pulisya, walang nakakakilala sa biktima na isina­larawan sa pagitan ng edad na 22-26, may kapayatan ang katawan, at nakasuot lamang ng kulay brown na brief.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon dela Vega, may-hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan sa may gilid ng Krus na dulo Creek, Barrio Silangan corner Sevilla Aldea Verde St., Brgy. Batasan Hills, ganap na alas-7:10 ng umaga

Sabi ng isang Ismael Bautista, naglalakad siya sa gilid ng tulay nang makita niya ang biktima na nakabitin sa sanga ng nasabing puno, gamit ang kulay brown na nylon cord. Agad na ipinagbigay alam ni Bautista ang nakita sa guwar­diya na siya namang tumawag ng awtoridad para sa imbestigasyon.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at mabatid kung may naganap na foul play dito.

vuukle comment

AYON

BARRIO SILANGAN

BATASAN HILLS

BAUTISTA

BRGY

ISANG

ISMAEL BAUTISTA

KRUS

SEVILLA ALDEA VERDE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with