^

Metro

Binata tumungga ng lason

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang binata makaraang uminom ng isang botelya ng lason sa tapat ng isang department store, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nalagutan ng hininga dakong alas-10:14 ng gabi sa Caloocan City Medical Center ang 22-anyos na si Jaymar Pingcas, production staff, at residente ng Brgy. Salvacion, ng naturang lungsod.

Sa ulat, naganap ang in­si­­dente dakong alas-9:30 ng gabi sa tapat ng Uniwide Sales, Inc. sa may Rizal Ave­nue Extension, Brgy. 72, ng naturang lungsod.

Ayon sa saksing si Anthony Macabo, nagpakilalang isang pastor, kausap niya ang biktima na tila may mabigat na problema nang biglang may ininom umano ito hanggang sa mawalan ng malay at bumagsak sa kalsada.

Mabilis na sinaklolohan naman ng Caloocan Rescue ang biktima at isinugod sa pagamutan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

ANTHONY MACABO

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN RESCUE

JAYMAR PINGCAS

RIZAL AVE

UNIWIDE SALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with