^

Metro

Mister tinodas habang nanonood ng laban ni Pacquiao

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang mister matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang  nanonood ng telebisyon sa laban ni Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Ame­rican boxer Chris Algieri  sa loob ng kanilang tahanan sa Marikina City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police ang biktima na si Anuwar Maso, 31, tubong Marawi City, at residente ng 43, Singkamas St., Barangay Tumana.

Si Maso ay nasawi dahil sa tama ng dalawang tama ng bala sa mukha.

Tinukoy naman ng ilang saksi ang suspek sa alyas Ali Kan, na umano’y madalas maglagi sa lugar at sina­sabing sangkot din sa illega­l na droga.

Si Ali Kan ay tinutugis na ngayon ng mga awtoridad.

Batay sa imbestigasyon ng Marikina City Police, nabatid na dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng biktima habang nanonood ito ng laban ni Pacquiao sa telebisyon.

Walang sabi-sabing binaril ng suspek ang biktima nang malapitan saka tumakas lulan ng motorsiklo.

Sinabi ni Calanoga na ina­alam na nila kung posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo ng krimen.

Patuloy ang malalimang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

ALI KAN

ANUWAR MASO

BARANGAY TUMANA

CHRIS ALGIERI

MARAWI CITY

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with