^

Metro

Kelot lasog sa SUV

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na lalaki makaraang mabundol ng rumaragasang SUV habang ang una ay tumatawid sa ka­habaan ng IBP Road, sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO2 Allan Florendo ng Quezon City Police Traffic Sector 5, nasawi si Joemarie Sasi ng BSWB compound, IBP Road, Bgy. Batasan sa lungsod.

Nasa kustodiya naman ng QC-TF5 ang driver na si Jefferson Mapalo, 32, binata ng Filinvest 2 at driver ng  Chevrolet.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng IBP Road corner Sinagtala St., ganap na ala-1:20 ng madaling-araw habang binabaybay ni Mapalo ang IBP galing sa Commonwealth, patungong Batasan San Mateo Road nang pagsapit sa naturang lugar ay biglang tumawid ang biktima.

Sa bilis ng pangyayari, hindi na nakaiwas si Mapalo at sinalpok ang biktima na sanhi upang tumalsik ito at magtamo ng matinding injury sa katawan.

Nagawa pang maisugod sa Malvar hospital ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival.

Inihanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa suspect.

 

vuukle comment

ALLAN FLORENDO

BATASAN

BATASAN SAN MATEO ROAD

BGY

JEFFERSON MAPALO

JOEMARIE SASI

MAPALO

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

SINAGTALA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with