^

Metro

Ngayong holiday season LRT, MRT ’di mag-eextend ng oras ng operasyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang plano ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na palawigin ang oras ng operasyon ng LRT Line 1 at 2 at ng Metro Rail Transit (MRT) sa kabila nang pagsisimula na ng mall hours extension para sa nalalapit na Christmas season.

Nauna rito, nagkasundo ang mga mall owners sa Metro Manila na simula sa Nobyembre 28 hanggang Enero 3 ay pahahabain na nila ang kanilang mall hours o mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi para mabawasan ang impact sa traffic ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga mall dahil sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang LRT-1, na nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran sa southern Metro Manila ay bumibiyahe sa weekdays mula alas-5:00 ng madaling araw at ang huling northbound train nito ay umaalis ng Baclaran ng alas-9:30 ng gabi habang ang huling southbound train naman ay umaalis ng Roosevelt ng alas-10:00 ng gabi, ngunit kapag weekend ay mas maaga ang last trips nito ng kalahating oras.

Samantala, ang LRT-2 naman na nagdudugtong sa C.M. Recto sa Manila at Santolan sa Pasig, ay bumibiyahe simula alas-5:00 ng madaling-araw at ang huling biyahe nito mula Santolan ay alas-9:30 ng gabi at alas-10:00 naman ng gabi ang huling biyahe mula Recto.

Mas maaga rin ng kalahating oras ang huling biyahe nito kapag araw ng Sabado at Linggo.

Ang MRT-3 naman na nagkokonekta sa North Avene, Quezon City sa Taft Avenue, Pasay City sa pamamagitan ng pagdaan sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ay may first trip na mula alas-4:30 ng madaling-araw habang ang last trip ay alas-11:00 ng gabi kapag weekdays.

Nagsisimula naman ang biyahe nito sa weekends ng alas-5:30 ng madaling-araw hanggang alas-11:00 rin ng gabi.

vuukle comment

ALAS

BACLARAN

GABI

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENE

PASAY CITY

QUEZON CITY

SANTOLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with