^

Metro

Staggered schedule ng malls sa MM, simula na sa Nov. 28

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula sa Nobyembre 28 ay ipatutupad na ang “staggered schedule” o ang iba-ibang oras sa pagbubukas at pagsasara ng  mga shopping malls sa Metro Manila para makabawas ng matinding trapik ngayong Kapaskuhan sa mga pangunahing lan­sangan.

Ito ang napagkasunduan kahapon nang makipagpulong ang  pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pangu­nguna ni Chairman Francis Tolentino sa mga operator ng mga shopping mall.

Nabatid na hanggang Enero­ 3, 2015 ipatutupad ang naturang schedule sa pagbubukas at pagsasara ng mga shopping mall.

Ilang shopping mall ay magbubukas ng alas-11:00 ng umaga at alas-11:00 ng gabi naman ang pagsasara ng mga ito. Ang mga apektado sa na­turang schedule ay ang mga shopping mall na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa MMDA, hindi lahat ng shopping malls ay pare-pareho ang oras ng kanilang staggered schedule, may ilan,  na magbubukas at magsasara ng maaga, depende sa napili nilang oras.

Subalit, pagsapit ng Dis­yembre 24 at 31, sa bisperas ng Pasko at bisperas ng Bagong Taon ay balik sa regular na oras (alas-10:00 ng umaga ang bukas at alas-9:00 ng gabi ang sara) ang mga ito.

Samantalang pagsapit ng Diyembre 25 at Enero 31, 2015 ay magbubukas naman ng alas-12:00 ng tanghali at magsasara ng alas-8:00 ng gabi. Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na rin ang MMDA sa pulisya para sa pagpapa­tupad ng seguridad at pagmamantina ng peace and order sa paligid ng mga shopping mall.

vuukle comment

ALAS

AYON

BAGONG TAON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

ENERO

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHOPPING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with