^

Metro

Killer ng parak, hagip ng CCTV

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakuha ng closed circuit television (CCTV) footage  ang  itinatag na ‘Task Force Flores’  na may na-capture  na mukha ng gunman  sa pamamaslang kay PO3 Ronaldo Flores, miyembro ng Manila Traffic Enforcement Unit  noong  Nobyembre 13 ng gabi sa Legarda, Maynila.

Kasabay nito, kahapon ay nagpakalat na rin si Senior Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Task Force Flores, ng nai-print na larawan ng gunman, mula sa kopya ng footage na hawak nila upang mas mapadali ang pag-aresto sa suspek.

Panawagan ni Cruz sa publiko, makipagtulungan sa MPD sa pamamagitan ng mga numerong nakalagay sa larawan upang makamit ni PO3 Flores ang hustisya.

“Nag-volunteer na ako na humawak ng task force na ito kasi  good cop talaga si Flores, wala kaming nakuhang bad comment laban sa kaniya at sabi ng hepe niya best traffic police siya, walang rekord ng kotong o anupaman,” dagdag  ni Cruz.

Nabatid na patuloy sa follow-up operation ang nasabing task force upang madakip ang suspek.

Ayon pa kay Col. Cruz,  nagsilbing lead nila sa isinasagawang follow-up operation ang pagkumpirma ng dalawang saksi sa krimen na ang mukha ng lalaking nakasuot ng puti na t-shirt na nakitang nagsusukbit ng 2 baril. Siya din umano ang nakitang  papatakas mula sa crime scene, taliwas sa direksyon na tinakbuhan ng nagpulasang mga tao. May patong ito sa ulo na P300,000.

Nakita rin ang nasabing lalaki na matagal munang nagmamanman habang  nagmamando ng trapiko sa Legarda  si PO3 Flores. Pumasok pa muna ng isang establisyemento ang suspek at nang makatiyempo ay mabilis na pinuntahan ang pulis at  niratrat, bago tumakas sakay ng isang motorsiklo.

vuukle comment

AYON

CRUZ

FLORES

GILBERT CRUZ

LEGARDA

MANILA TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

RONALDO FLORES

SENIOR SUPT

TASK FORCE FLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with