^

Metro

Bading nangulit, tinarakan ng lover

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang bading ang nasugatan makaraang tarakan ng kanyang lover na nakulitan sa biktima kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Malubhang nasugatan at ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Ronildo Silud, 33, isang promodizer, sanhi ng tinamong isang saksak sa tiyan.

Samantala, nakakulong naman sa Pasay City Police de­tention cell ang suspek na si Roland Fuentes, 20.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-2:30 ng madaling-araw sa bahay ng biktima sa Don Carlos Revilla St., ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na dalawang linggo pa lamang magkakilala ang mga biktima at suspek hanggang sa naging mag-lover.

Kahapon ay kinukulit umano ng biktima na  makipag-sex sa kanya ang suspek, subalit tumanggi ang huli dahil sa masama ang pakiramdam nito. Dahil dito, nagalit ang biktima at nagtalo na ang dalawa at sa kainitan ng away ay nakahaligap ng patalim si Fuentes at inundayan nito ng saksak si Silud.

Kaagad namang dinala ang duguang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital at ang suspek naman ay na­dakip ng mga rumespondeng pulis.

vuukle comment

BIKTIMA

DON CARLOS REVILLA ST.

MELCHOR REYES

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

ROLAND FUENTES

RONILDO SILUD

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with