^

Metro

4 na pulis MPD kinasuhan sa pagtatago ng shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kaso ng Manila  Police District (MPD) ang  apat na pulis na  nakuhanan ng  shabu sa kanila-kanilang mga locker sa District Anti-Illegal Division  noong nakaraang linggo.

Ayon kay Atty. Dennis Wagas, hepe ng District Legal Office ng  MPD,  paglabag sa R.A. 9165 ang isinampa laban sa mga pulis makaraang makuhanan ng mga shabu at paraphernalias  habang ang  kasong administratibo  na serious neglect of duty ay sinampa naman laban sa tatlo pa.

Una  nang itinanggi ng mga pulis na shabu ang nakuha sa kanila sa pagsasabing tawas lamang ang mga ito. Subalit  lumilitaw sa crime laboratory na shabu ang nakuha sa locker ng apat na pulis. Nabatid na 12 personnel ng  DAID ang sumailalim sa  drug test habang  tatlo naman ang tumanggi.

Matatandaang  nasorpresa ang mga tauhan ng DAID nang pasukin ito  ni  MPD Acting Director Senior Supt. Rolando Nana  bunsod na rin ng mga reklamo na ginagamit na  “pamba­bangketa” ng mga pulis ang mga  shabu, marijuana at valium na nakuha sa kanilang mga locker.

Dahil dito,  sinibak sa puwesto ni  Nana ang mga pulis ng DAID at itinalaga  sa District Holding Center.

Idinagdag pa ni Wagas na wala dapat sa pangangalaga ng mga pulis ang mga shabu dahil nananatiling ebidensiya ang mga ito laban sa kanilang mga nahuli. Dapat aniya itong isinusumite sa  crime lab.

vuukle comment

ACTING DIRECTOR SENIOR SUPT

DENNIS WAGAS

DISTRICT ANTI-ILLEGAL DIVISION

DISTRICT HOLDING CENTER

DISTRICT LEGAL OFFICE

POLICE DISTRICT

PULIS

ROLANDO NANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with