^

Metro

Kotse tinangay pa branch manager ng condo, patay sa 2 armado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang branch manager ng isang condominium makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Si Alejandro Hilario, 36, branch manager ng Avida Condominium at residente sa Brgy. Santol ay nagawa pang maitakbo sa ospital, subalit idineklara ring dead on arrival, ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, may-hawak ng kaso.

Sabi ni Quisumbing, ang dalawang suspect ay ginamit ang sasakyan ng biktima sa kanilang pagtakas.

Nangyari ang insidente sa harap ng Casiana St., Brgy. Santol, ganap na alas- 7:45 ng gabi.

Sinasabing kapaparada lamang ng kanyang minamanehong Toyota Vios ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga suspect at pinagbabaril ito.

Matapos ang pamamaril, mabilis na sumakay ang mga suspek sa sasakyan ng biktima at humarurot ang mga ito palayo sa lugar. Agad namang rumisponde ang mga barangay tanod sa lugar at itinakbo ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara din itong dead-on-arrival.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene, narekober ang apat na basyo ng kalibre 45 baril. Habang ang biktima naman ay nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang mukha at katawan.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

AVIDA CONDOMINIUM

BRGY

CASIANA ST.

HABANG

MATAPOS

NANGYARI

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SI ALEJANDRO HILARIO

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with