^

Metro

Nag-amok dedo sa pulis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang isang la­laking nag-amok matapos itong mabaril ng pulis sa Barangay Veinte Reales sa  Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Anselmo Lucenda Jr. habang sumuko naman ang naka­baril na si SPO3 Armando Iguban Delima, 45, naka­talaga sa  himpilan ng pulisya sa nasabing lungsod.

Nasa ligtas namang kalagayan ang mga sinaksak ni Lucenda na sina Dennis Ysmael, 49, traffic enforcer; at Danilo Fanilara, 39, tricycle driver.

Sa nakalap na impormasyon kay P/Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City PNP, naganap ang insidente bandang alas-3 ng hapon kung saan biglang nag-amok si Lucenda gamit ang paet na kanyang inagaw kay Danilo Macaya habang ito ay guma­gawa ng pinto sa kahabaan ng T. Santiago Street.

Sinaksak ni Lucenda sina Ysmael at Fanilara kung saan namataan naman ni SPO3 Delima ang insidente.

Tinangkang payapain sa pag-aamok si Lucenda subalit nagawa nitong makipagbuno sa pulis hanggang sa pumutok ang baril.

Naisugod sa ospital si Lucenda subalit namatay din habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ANSELMO LUCENDA JR.

ARMANDO IGUBAN DELIMA

BARANGAY VEINTE REALES

DANILO FANILARA

DANILO MACAYA

DENNIS YSMAEL

LUCENDA

RHODERICK ARMAMENTO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with