^

Metro

14-anyos na high school student, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 14-anyos na high school student nang magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Navotas City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na nakarating ng buhay sa Pagamutan Bayan ng Malabon ang biktimang si Eduardo Martin Manguni, ng Tanza National High School at residente ng Carville Subdivision, Brgy. Tanza ng nasabing lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Allan Bangayan, ng Navotas City Police, alas-12:10 ng madaling-araw nang makita ng kanyang nakatatandang kapatid na si Edgar John ang nasawi na nakabigti ng tela sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Agad  itong  humingi  ng tulong sa  mga magulang at pinagtulungan kalasin sa pagkakabigti ng kapatid bago mabilis na dinala sa nasabing pagamutan subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.

Hindi pa rin malinaw sa mga pulis  kung ano ang dahilan ng biktima sa pagpapakamatay kung saan ayaw na ng pamilya na isailalim sa autopsy  ang bangkay nito.

Naniniwala ang mga ito na walang naganap na foul play sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

ALLAN BANGAYAN

BATAY

CARVILLE SUBDIVISION

EDGAR JOHN

EDUARDO MARTIN MANGUNI

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

PAGAMUTAN BAYAN

TANZA NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with