^

Metro

Misis na mandurukot sa MRT, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang na mandurukot sa Metro Rail Transit (MRT) ang naaresto makaraang pumalag at hawakan siya ng kanyang Turkish national na biniktima sa Shaw Blvd. Station sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na ngayon ay nakakulong sa selda ng Mandaluyong City police ay nakilalang si Jessica Manuel, 25, nakatira sa Okra St., Brgy. Tumana, Marikina City.

Hindi nakawala kahit nagtangkang tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagmamadaling lumabas sa MRT dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng biktima na si Mehmet Yilmaz, 31, businessman, naninirahan sa Project 8, Quezon CIty.

Sa salaysay ni Yilmaz kay SPO1 Albert Fontanilla, ng Criminal Investigation Unit, dakong alas-7:45 ng gabi habang sakay siya ng MRT kasama ang kaibigang si Bekir Kiling, 27, isa ring Turkish national at siksikan ang mga pasahero nang mapansin nito na may ibang kamay na dumudukot ng kanyang mamahaling cellphone sa kanyang bulsa.

Agad namang hinawakan ng biktima ang kamay ng suspek at hindi na ito pinakawalan saka humingi ng tulong sa mga guwardiya saka dinala sa Mandaluyong police station.

vuukle comment

ALBERT FONTANILLA

BEKIR KILING

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

JESSICA MANUEL

MANDALUYONG CITY

MARIKINA CITY

MEHMET YILMAZ

METRO RAIL TRANSIT

OKRA ST.

SHAW BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with