^

Metro

Motorsiklo salpok sa van: 1 patay, 2 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang waiter habang dalawa sa kasamahan nito sa motorsiklo ang sugatan makaraang makabundulan ang isang van habang tinatahak ang kahabaan ng Edsa sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay SPO3 Ronquillo Maano ng Quezon City Police Traffic Sector 6, nakilala ang nasawi na si Andrew Christopher Moreno 23, binata ng Brgy. Sangandaan, Projec 8, sa lungsod.

Sugatan naman ang kanyang mga kasamahan na sina Mark Jason Diaz, 30; at Jason Sadiasa, 24, na agad na nila­patan ng lunas sa ospital.

Nasa kustodiya naman ng PS6 ang driver ng Isuzu Elf van na si Amado Bangolan Jr., 50 ng Binangonan Rizal at isina­sa­ilalim sa imbestigasyon.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa northound lane ng Edsa,  Brgy. Pagasa, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.

Base sa pahayag ni Sadiasa, sakay sila ni Moreno ng isang motorsiklo na minamaneho ni Diaz at binabaybay ang nasabing lugar nang pagsapit sa pakurbang bahagi ng Edsa, partikular sa naturang lugar ay nawalan umano sila ng kontrol hanggang madikit sila sa kasabay na Isuzu Elf van.

Dahil dito, bigla na lamang umanong tumalsik ang kani­lang motorsiklo hanggang sa magsitalsikan sila mula dito. Agad namang dumating ang rescue team at itinakbo ang mga biktima sa Quezon City General Hospital, subalit binawian din ng buhay si Moreno. Habang nilapatan naman ng lunas ang dalawa.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

AMADO BANGOLAN JR.

ANDREW CHRISTOPHER MORENO

BINANGONAN RIZAL

BRGY

EDSA

ISUZU ELF

JASON SADIASA

MARK JASON DIAZ

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with