^

Metro

Killer ng gay, timbog sa ipinost sa Facebook

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natimbog ng Caloocan City Police ang suspek sa pamamaslang sa isang gay maka­raang matunton siya dahil sa post sa social networking site na Facebook ng babaeng pi­nagbentahan niya ng nina­kaw na cellular phone sa biktima, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery with homicide ang suspek na nakila­lang si Felix Salut, 22, residente ng Lirio St., Camarin, ng naturang lungsod habang posible namang maharap sa kasong paglabag sa anti-fencing law si Rowena Fabre, ng La Forteza Subd., Camarin.

Si Salut ang panguna­hing suspek sa pagpatay sa 28-anyos na si Norman Mercado, “aka Cielo”, call center agent na natagpuang patay dahil sa mga saksak sa katawan noong Setyembre 20, 2014 sa loob ng kanyang bahay sa may Gumamela Street,  Camarin.

Sa ulat, unang ipinakita ng ama ni Mercado na si Norberto ang Facebook posts sa account ng kanyang anak.  Isang babae na nakilalang si Fabre ang nakitang nagsi-selfie gamit ang Samsung Duos cellphone na pag-aari umano ng biktima.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang address ni Fabre at isinailalim sa pagtatanong. Umamin naman ito na nabili lang niya ang telepono kay Salut at hindi alam na nakaw ito. Mabilis ring sinalakay ang bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip ni Salut.  Inamin naman ni Salut ang ginawang krimen.

Ayon sa pulisya, may application umano ang telepono ng biktima na awtomatikong mapo-post sa kanyang Facebook account ang anumang ipopost kahit palitan ng sim card ang cellphone. Malaking tulong umano ang naturang mga teknolohiya sa pagresolba ng mga krimem.

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE

FABRE

FACEBOOK

FELIX SALUT

GUMAMELA STREET

LA FORTEZA SUBD

LIRIO ST.

NORMAN MERCADO

SALUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with