^

Metro

Sangay ng LBC hinoldap

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang sangay ng LBC ang hinoldap ng nag-iisang suspek na nagkunwaring kostumer na hinintay ang pagbubukas nito sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, ang hinoldap na LBC ay matatagpuan sa Kamuning Road, corner T. Gener, Brgy. Kamuning sa lungsod.

Ayon kay Mark Anthony Constantino, 30, customer associate ng LBC, nangyari ang insidente alas-6:35 ng umaga.

Diumano, kabubukas lamang anya niya ng opisina nang dumating ang suspek at nagtanong kung puwedeng magpadala ng pera.

Dahil alas-7 pa ng umaga ang bukas nito, pinaupo muna ni Constantino ang suspek sa center area, saka siya bumalik sa loob ng opisina para kumuha ng pamalit na pera.

Nang bubuksan na ni Constantino ang cash box, biglang sumunod ang suspek sa kanya at tinutukan siya nito ng baril sabay deklara ng holdap sa pagsasabing “pera-pera lang ’to, dapa ka na lang,” saka kinuha ang pera.

Nang makuha ang pakay ay saka sumibat ang suspek sakay ng isang motorsiklo papalayo sa lugar.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CONSTANTINO

DAHIL

DIUMANO

GENER

KAMUNING ROAD

MARK ANTHONY CONSTANTINO

NANG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with