^

Metro

Napagkamalang police asset, nilikida

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos mapagkamalang asset ng pulis, isang pedicab driver ang nasawi nang pagbabarilin ito ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo, kama­kalawa ng gabi sa Navotas City. 

Dead-on-arrival sa pi­nag­dalhang clinic sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang bik­timang si Jomar Gabiano, 30, ng Brgy.  San Roque ng na­sabing lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO2’s Philip Edgar Valera at Allan Bangayan, ng Navotas City Police, naganap ang in­sidente alas-11:30 ng gabi, habang minamaneho ng biktima ang kanyang pedicab sa kahabaan ng Governor Pascual at pagsapit sa kanto ng Judge A. Roldan St., Brgy.  San Roque ng nasabing lungsod nang bigla na lamang dumating ang mga suspek at isa sa mga ito ang walang sabi-sabing bumaril  kay Gabiano.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek sakay sa motorsiklong minamaneho ng kasama nito na hindi nakuha ang plaka at  dinala naman ang biktima ng kanyang kaanak  sa na­sabing pagamutan subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.

Ayon sa teyorya ng pu­lisya, posibleng napagkamalang police asset ang naturang biktima at posible aniyang miyembro ng drug syndicate ang mga suspek.

vuukle comment

ALLAN BANGAYAN

BRGY

GOVERNOR PASCUAL

JOMAR GABIANO

JUDGE A

MATAPOS

SAN ROQUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with