^

Metro

2 salvage victims, itinapon sa ilog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang lalaki ang natagpuang wala nang buhay at nakasubsob sa pampang ng Marikina River sa Brgy. Calumpang, Marikina City, kahapon ng umaga.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga awtoridad kung po­sibleng biktima ng salvage ang mga hindi kilalang biktima, na tinatayang nasa edad 25 hanggang 35-anyos. Ang isa sa kanila ay inilarawang nakasuot ng camouflage na pantalon at itim na t-shirt habang ang ikalawa naman ay nakasuot ng puting shorts.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang makatanggap sila ng ulat hinggil sa pagkakadiskubre ng mga bangkay sa pampang ng Marikina River, sa Riverside, Calumpang, malapit sa isang mall sa Marcos Highway.

Nangunguha umano ng mga panggatong ang ’di-nagpakilalang residente nang mamataan ang bangkay ng mga biktima at kaagad itong inireport sa pulisya.

Ayon sa mga imbesti­gador nakatali ang mga kamay ng mga biktima sa kanilang likod, parehong may mga nakatakip na panyo sa kanilang mga mukha at nakasubsob sa putik.

Pinaniniwalaang pina­hirapan muna bago pinatay ang mga biktima dahil sa mga pasa at sugat na na­tagpuan sa katawan ng mga ito.

Posible rin umanong sa ibang lugar pinaslang ang mga biktima at itinapon lamang sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon sa kaso.

 

vuukle comment

AYON

BATAY

BIKTIMA

CALUMPANG

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with