^

Metro

Bangkay ng Tsinoy, natagpuan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag-uumpisa nang maagnas ang bangkay ng babaeng Tsinoy nang madiskubre sa loob ng kanyang bahay makaraang umalingasaw ang masang­sang na amoy kahapon ng umaga sa Ma­labon City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Reme­dios Uy, 52, ng Phase 3, Brgy. Longos­ sa naturang lungsod­.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10 ng umaga nang makaamoy ng mabaho ang mga kapitbahay mula sa bahay ni Uy.

Kaagad naman itinawag sa pulisya ang insidente dahil sa masangsang na amoy na sinasabing may masamang nangyari kay Uy.

Nang pasukin ng mga pulis ang bahay, bumulaga ang bangkay ni Uy na nakahandusay.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima noong Sabado na naglalakad malapit sa kanyang bahay.

vuukle comment

BRGY

KAAGAD

KINILALA

LONGOS

LUMITAW

NABATID

NANG

REME

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with