^

Metro

15-anyos na pumatay sa may-ari ng bahay, tiklo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa paglabag sa curfew, nadakip  ng pulisya ang 15-anyos na lalaki na sinasabing sangkot sa pagpatay at pagnanakaw sa isang misis sa Camarines Sur kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Itinago sa pangalang Rene ang suspek na nga­yon ay nasa custody ng Taguig City PNP at pinag-aaralan ng pulisya kung ililipat sa Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD).

Base sa police report, bandang alas-12 ng madaling-araw nang madakip ang suspek sa Barangay Bicutan dahil sa paglabag nito ng curfew hour.

Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya, nadiskubre na ang suspek ay sangkot sa pagpatay at pagnanakaw sa biktimang si Alicia Anastacio sa loob ng bahay nito sa bayan ng Nabua, Camarines Sur noong nakalipas na linggo.

Nagtamo ng apat na saksak ang biktima bago tumakas ang suspek patungong Taguig City upang magtago at takasan ang ginawang krimen.

Inamin naman ng suspek ang  krimeng ginawa nito.

vuukle comment

ALICIA ANASTACIO

BARANGAY BICUTAN

CAMARINES SUR

DAHIL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

HABANG

INAMIN

ITINAGO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with