^

Metro

Apo pisak sa SUV ng lolo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos na ka­matayan ang sinapit ng isang taon at limang buwang gulang na bata makaraang magulungan ng sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng kanyang lolo, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Namatay habang gina­gamot sa Jose Rodriguez Hospital ang biktimang si Prince Clarence Daliwag, ng Golden Clarion St., Brgy. Camarin sa nasabing lungsod­.

Sumuko naman sa pu­lisya ang suspek na si Lauro­ Daliwag, 55, naninirahan din sa nabanggit na ba­rangay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa harap ng bahay ng mag-lolo dakong alas-4:47 ng hapon.

Napag-alamang naglalaro sa likuran ng Toyota Fortuner ang bata nang sumakay sa kotse si Daliwag at nagmaniobrang paatras.

Hindi naman napansin ng lolo na nasa likod ng sasakyan ang kanyang apo kung saan tuluyang na­atrasan.

Nalaman lang ito ni Daliwag­ nang magsisigaw na ang kanyang mga kasamahan sa bahay kaya mabilis na isinugod sa pa­gamutan ang bata.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

DALIWAG

GOLDEN CLARION ST.

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

KALUNUS

PRINCE CLARENCE DALIWAG

SHY

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with