^

Metro

Hapones binoga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang Hapones ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang nakamotorsiklong salarin sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay  habang ginagamot sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center  ang biktimang si Shinsuke Toba, nasa hustong gulang. Hindi binanggit sa report kung saan ito pansamantalang nanunuluyan. Base sa report na isinumite sa tanggapan ni Las Piñas City Police Chief Sr. Supt. Adolfo Samala Jr., naganap ang insidente alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng C-5 Extension Road, Barangay Manuyo 2 ng naturang siyudad. Bumabagtas sa naturang lugar ang taxi na sinasakyan ni Toba kasama ng isa niyang kababayan nang pahintuin muna nila ang driver para umihi sa isang tabi. Nang huminto ang taxi, biglang sumulpot ang isang motorsiklo na hindi naplakahan na minamaneho  ng suspek bago pinagbabaril ang biktima.

vuukle comment

ADOLFO SAMALA JR.

BARANGAY MANUYO

BINAWIAN

CITY POLICE CHIEF SR. SUPT

EXTENSION ROAD

GENERAL HOSPITAL AND SATELLITE TRAUMA CENTER

ISANG HAPONES

LAS PI

SHINSUKE TOBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with