^

Metro

All out war vs pusher na parak dineklara ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdeklara na  ng all out war si Manila Mayor Joseph Estrada laban  sa mga pulis na nasasangkot ngayon sa ipinagbabawal na gamot.

Ang  deklarasyon  ni Estrada ay hamon din kay Manila Police District director Sr. Supt. Rolando Nana na linisin ang kanyang  hanay laban sa paglaganap ng  ipinagbabawal na gamot na  may malaking epekto sa mga sibilyan lalo na sa mga kabataan.

Sinabi ni Estrada sa isang panayam  na walang puwang sa  Maynila ang  droga na isa sa mga pinatututukan  niya kay  Nana. Nakababahala anya na  maging  ang mga kabataan ay nalululong na rin sa   masamang bisyo kung saan ang mga pulis pa ang kadalasang  gumagamit at nagsisilbing mga ‘tulak’.

Ayon kay Estrada, ang pagiging drug free ng Maynila  ay isang karangalan dahil indikasyon lamang ito na nasa husto at maayos na pamamalakad ng mga namamahala dito.

Sinabi  naman ni Nana na sa kasalukuyan ay wala pa silang natutukoy na mga  pulis na sangkot sa ipinagbabawal na gamot bagaman nagsasagawa na siya ng mga anti-illegal drug campaign at  monitoring sa mga lugar na pinaniniwalaang talamak ang droga.

Wala ring gagawing anumang compromise ang kapulisan laban sa ipinagbabawal na gamot.

Aniya, naglabas na rin  siya ng kautusan sa kanyang mga station commanders na linisin ang  kanilang mga nasasakupan. Hindi rin umano siya mag-aatubiling sibakin ang sinumang pulis na masasangkot sa droga.

Bagama’t nasa proseso pa sila ng  evaluation sa estado ng mga pulis, sinabi ni  Nana na  mahigpit  ang kanyang  paalala sa kanyang mga tauhan na  sundin lamang ang kanilang sinumpaang tungkulin  upang hindi makalabag ng batas.

vuukle comment

ANIYA

AYON

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

ROLANDO NANA

SINABI

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with