^

Metro

Vendor nadamay sa away mag-asawa, dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang vendor makaraang pagbalingang saksakin ng kapwa vendor na nakikipagtalo sa misis sa harap ng isang kainan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Ariel Soriano, 32, may-asawa ng Petronio St., Buenamaria Subdivision, Novaliches sa lungsod.

Ayon kay PO3 Jogene Hernandez, pinaghahanap na  ang suspek na si Jomar Morete na mabilis na tumakas matapos ang pana­naksak.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa harap ng Abegail Eatery na mata­tagpuan sa may loob ng LVT Bldg., sa Gen. Luis St., Nova Proper, ganap na alas-5:30 ng hapon.

Ayon sa saksing si Agnes Villanueva, nasa loob siya ng kainan nang makita niya ang suspek at misis nitong nakilalang si Marilou na nagtatalo.

Ilang hakbang sa dalawa ay nakaupo naman ang biktima, hanggang sa marinig muli umano ni Villanueva ang salita ni Marilou na “sige gawin mo” kung saan bigla na lamang ibinaling ng suspek ang kanyang galit sa biktima at pinagsasaksak.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima naman ay isinugod ng mga rumispondeng pulis sa ospital pero hindi na rin pinalad makaligtas.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

ABEGAIL EATERY

AGNES VILLANUEVA

ARIEL SORIANO

AYON

BUENAMARIA SUBDIVISION

JOGENE HERNANDEZ

JOMAR MORETE

LUIS ST.

MARILOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with