^

Metro

Trader, utas sa 2 kabataang holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalusot na naman sa pulisya ang mga upahang hitmen makaraang pagbabarilin at mapatay ang isang negos­yante, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Alejandro Aquino, 48, residente ng Liwayway St., Brgy. Bayan-ba­yanan, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima dakong alas-8:30 ng umaga nang huminto sa isang tindahan malapit sa kanyang bahay. Doon ito nilapitan ng dalawang salarin kapwa kabataan at walang sabi-sabing pinagbabaril nang malapitan ang biktima.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin na pinaniniwalaang may ginamit na “get-away vehicle” sa kanilang mabilis na pagpulas.

Blangko naman ang pulisya sa motibo ng naturang pamamaslang. 

 

 

vuukle comment

ALEJANDRO AQUINO

BAYAN

BLANGKO

BRGY

LIWAYWAY ST.

MABILIS

MALABON CITY

NAGTAMO

NAKALUSOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with