^

Metro

Anak napaaway: Saksak sinalo ng tatay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang  isang 48-anyos na driver  na pinagsasaksak ng kaaway ng kanyang anak sa Sta. Cruz, Maynila kamaka­lawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Edgar Arceo, ng Lope de Vega St., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng saksak sa likod.

Mabilis namang  tumakas ang suspek na si Jerick De Leon, 20, fish ball vendor, ng  Lope De Vega St., Sta. Cruz, Maynila matapos ang insidente.

Sa report ni Det. Charles John Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-8:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa tapat ng tindahan ng biktima sa panulukan ng T. Alonzo at Lope De Vega Sts., Sta Cruz, Manila.

Ayon sa salaysay ni Erwin Bumalay, 18, anak ng nasawi una niyang nakita na lasing na naglalakad ang ama ng suspek kung saan inakusahan siyang nagnakaw ng gulong ng kanilang tricycle.

Itinanggi ni Erwin ang akusasyon ng ama ng suspek at humingi pa ito ng paumanhin subalit nang dumating naman ang suspek at kapatid nitong si Jason ay walang sabi-sabing sinuntok ang una na nasaksihan naman ng kanyang ama kaya ito umawat hanggang sa nakaalis sila sa lugar.

Inakala ng mag-ama na naayos na ang kanilang sigalot kaya tumambay sila sa harapan ng kanilang tindahan at habang kumakain silang mag-ama ay dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak  ang biktima sa likod.

Nagsasagawa naman ng  follow up operations ang pulisya  para sa ikadarakip ng suspek.

 

 

 

vuukle comment

CHARLES JOHN DURAN

CRUZ

EDGAR ARCEO

ERWIN BUMALAY

JERICK DE LEON

LOPE DE VEGA ST.

LOPE DE VEGA STS

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with