^

Metro

Nagpanggap na lalaki sa FB, bebot inaresto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na babae na nagpanggap na lalaki sa Facebook  ang dinakip ng  pulisya matapos   na inireklamo  ng kanyang “nobya”  dahil sa pangingikil  sa kanya kapalit ng  hubad niyang larawan na ipo-post sa Face­book .

 Kinilala ang suspek na si Diana Lyn Callao Cuevas alias Yza at  Lee Andrei Inigo Santillan na kanyang ginagamit sa kanyang Viber at Facebook account at residente ng 555 Kapitan Maria, Malvar, Batangas.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa reklamo ni “Gina” di tunay na pangalan ng Valenzuela City.

 Sa report  ni PO3 Jayjay Jacob ng Manila Police District (MPD)-General Assignment and Investigation Section (GAIS), dakong  3:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa loob ng Happy Lemon sa ikalawang palapag ng isang mall sa  Maynila bunsod na rin ng reklamo ni “Gina”.

 Sa salaysay ng biktima sa MPD-Children and Wo­mens Desk, nakilala niya ang suspek na nagpakilalang isang lalaki sa FB at Viber. Ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi  sa panliligaw ng “lalaki” hanggang naging nob­ya siya nito na humantong sa “on-line sex”  at nakunan ng larawan ang biktima na walang saplot sa katawan.

 Nagpatuloy ang relasyon ng dalawa at nagpalitan pa umano ng regalo kung saan inihahatid pa ni Cuevas sa bahay ng biktima ang regalo na umano’y nanggaling kay Santillan.

 Subalit, Oktubre 13, nagsimula nang i-black mail ng suspek ang biktima at tinakot na kung hindi siya bibigyan ng mamahaling sapatos at pera ay ipo-post nito ang kanyang hubad na larawan sa FB.

 Nagpasya ang dalawa na magkita sa mall para ibigay ng biktima ang hinihingi ng suspek na P20,000 kapalit ng mga hubad niyang larawan, subalit sa aktong tinatanggap ng suspek ang “marked mo­ney” ay inaresto ito.

 Dito na natuklasan na ang suspek at  ang nobyo nitong si Santillan ay iisang tao lamang. Tumanggi naman ang suspek na magsalita hinggil sa akusayson ng biktima.

 Kasong robbery extortion at grave threat ang inihahandang kaso laban sa suspek.

 

 

vuukle comment

CHILDREN AND WO

DIANA LYN CALLAO CUEVAS

FACEBOOK

GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

GINA

HAPPY LEMON

JAYJAY JACOB

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with