^

Metro

Sa selebrasyon ng diamond jubilee traffic sa QC ngayong weekend, asahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Quezon City kaugnay nang isasagawang selebrasyon ng lungsod ng kanilang diamond jubilee mula ngayong Sabado.

Bunga nito, pinayuhan ng pamunuan ng lokal na pamahalaan ang mga motorista at mananakay na iwasan ang ilang lugar upang hindi ma­ipit sa masikip na daloy ng trapiko sa buong weekend cele­bration.

Mula ngayong Sabado ng umaga kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng mga street parties, concert  at mga fireworks display na pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko ay ang Roose­velt Avenue mula Del Monte Ave­nue hanggang Pitimini St., commercial drive center at N.S. Amoranto St.; Mariveles St. hanggang Labo St., sa District 1.

Isasara rin ang bahagi ng Commonwealth Avenue mula Sandiganbayan patungong Commission on Audit (COA) sa District  2; gayundin ang bahagi ng Anonas road mula Lanzones St. hanggang  Pajo St. ng District 3.

Kasama rin ang ilang lugar sa District 4 gaya ng Tomas Morato mula Timog Avenue  papuntang Scout Fuentebella at Maginhawa St., mula Ma­kadios hanggang  Masaya Sts. Gayundin ang Quirino highway mula Regalado Avenue hanggang Belfast street sa District 5 at Visayas avenue northbound mula Congressional Avenue hanggang Tandang Sora Avenue.

Ang westbound lane naman ng Quezon Avenue ay isasara rin sa ganap na alas- 4:00 ng hapon hanggang alas- 7:00 ng gabi upang bigyang daan ang procession ng Our Lady of La Naval sa Sto. Domingo Church.

Kasama rin sa mga akti­bidad ng QC government ang medical mission sa sampung barangay; job fair sa barangay Sangandaan; concert sa Vi­sayas Avenue kanto ng Tandang Sora Avenue; marching bands; misa ng bayan; zumba dance sa Quezon Memorial Circle at Gawad Parangal sa Araneta Coliseum.

Bunga nito, inatasan ni QC Mayor  Herbert  Bautista ang Department of Public Order and Safety na tumulong sa MMDA at QC  police traffic district sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar.

vuukle comment

AMORANTO ST.

ARANETA COLISEUM

AVENUE

BUNGA

COMMONWEALTH AVENUE

CONGRESSIONAL AVENUE

MULA

TANDANG SORA AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with