^

Metro

Mga barker sa Pasay, wawalisin

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mariing ipinag-utos kahapon ng  hepe ng Pasay City Police sa  kanyang mga tauhan na itaboy ang mga barker makaraang makatanggap ng ulat na sangkot ang mga karamihan sa mga ito sa pandurukot at snatching, maging sa pangingikil sa mga driver.

Inatasan ni Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police  si  Chief Inspector Eric Albustia, commander ng PCP 5 na paalisin sa nasabing lugar ang mga barker na inirereklamo ng mga driver.

Isa sa nagreklamo si   Rudy Lumbao, 45,   taxi driver na nagsabing  sapilitan umano silang hinihingian ng mga barker ng halagang P5.00 sa tuwing magsakay sila ng pasahero sa tapat ng Kabayan Hotel na matatagpuan sa EDSA-Taft Avenue, Pasay City Police.

Sa oras na tumanggi ang taxi driver o ang pasahero na magbigay ginagasgasan ng mga barker ang kanilang sasakyan gamit ang pako at  tansan ng softdrinks.

Panawagan ng mga taxi driver at mga pasahero kay Pasay City Mayor Antonino Calixto, na  agarang aksiyunan ang kanilang reklamo laban sa mga barker. (Lordeth Bonilla)

 

vuukle comment

CHIEF INSPECTOR ERIC ALBUSTIA

KABAYAN HOTEL

LORDETH BONILLA

MELCHOR REYES

PASAY CITY MAYOR ANTONINO CALIXTO

PASAY CITY POLICE

RUDY LUMBAO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with