^

Metro

Mag-ama utas sa pamamaril

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang mag-ama matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek kama­kalawa sa Muntinlupa City.

Dead-on-arrival sa Alabang Medical Clinic ang mag-amang sina Edmundo  Tan, 39, tricycle driver,  ng San Guillermo St.,  Purok 6 Brgy. Bayanan ng nasabing lungsod sanhi ng tatlong tama ng bala ng kalibre 9mm pistol sa ulo at sa katawan, habang ang anak nitong babae na  si Anniecka  Eunice, 6  ay nagtamo naman ng isang tama ng bala ng nasabing kalibre ng baril sa dibdib ay nadamay lamang sa insidente.

Sa report na natanggap ni Police  Senior Supt. Allan Cruz  Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-4:45  sa tapat ng E.P.E Tedted  Store,  sa Wawa St.,  Purok 8  Brgy. Alabang ng naturang siyudad.

Ayon sa ulat,  kasalukuyang pinapasada ng biktima ang kanyang tricycle na may plakang ZE-1519 at angkas nito sa harapan ang anak na si Anniecka  habang naghihintay ng pasahero sa naturang lugar.

Bigla umanong dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinaulanan  ng bala na ng baril si Edmundo kung saan tinamaan din ang katabi nitong anak.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang mag-ama naman ay dinala  sa nasabing ospital, subalit hindi na nakarating nang buhay. 

Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya, talamak umano ang droga sa naturang lugar at iniimbestigahan kung may kinalaman dito ang naturang pamamaril.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon. (Lordeth Bonilla)

 

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CLINIC

ALLAN CRUZ

ANNIECKA

BRGY

E TEDTED

EDMUNDO

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with