^

Metro

‘Tulak’ hindi nag-remit, binaunan ng bala sa dibdib

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang sina­sabing ‘tulak’ nang barilin sa dibdib ng isang lalaki na nani­ningil umano ng hindi nai-remit na P3,000 ng una sa kinuhang iligal na droga sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Francisco Allita, 33, ng Ma­tiisin St., Tondo, Maynila.

Hinahanting na ng mga awtoridad ang suspek na si Winefredo Vegas, alyas Emcee­, na naglakad lamang papalayo sa lugar ma­­tapos barilin ang suspek na tinamaan sa dibdib.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril  dakong alas-8:40 ng gabi sa panulukan ng Mabuhay at Matiisin Sts.,Tondo, Maynila.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima subalit namatay din dakong ala-1:00 ng madaling-araw. Sinabi ni Mary Ann Santo­sidad, live-in partner­ ng biktima, nagsisi­gawan ang suspek at ang kanyang asawa dahil sa hindi pag-remit ng drug money na nagkaka­halaga ng P3,000 hanggang sa bumunot ng baril ang suspect  at paputukan ang biktima.

Kaswal na umalis lamang ang suspek habang ang misis ng biktima ang nagdala sa pagamutan kung saan ito tuluyang binawian ng buhay.

vuukle comment

FRANCISCO ALLITA

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY ANN SANTO

MATIISIN STS

MAYNILA

RODELIO LINGCONG

SHY

WINEFREDO VEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with