^

Metro

IT manager, tinodas sa loob ng condo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang Information Technology (IT) manager ang tinadtad ng saksak sa katawan at natagpuang naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanyang inuupahang condominium unit sa Mandaluyong City, kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Jose Jonald Jobeth Ramos, 42, manager ng  International  Business  Machines (IBM)  sa East Wood at residente sa Tivoli Garden Residence, Coronado St., Brgy. Hulo, Mandaluyong City.

Ayon kay Insp. Antonio Galauran, hepe ng Criminal  Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, dakong alas-9:30 ng umaga­ nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang condo­minium unit ng kanyang kaibigang si Vivien dela Llana.

Nabatid na ilang ulit na umanong tinatawagan ni Llana ang biktima ngunit hindi ito sumasagot, sanhi upang magpasya na lamang siyang puntahan ito sa tirahan nito.

Pagdating sa bahay ay napansin umano ni Llana ang mga nakakalat na dugo kaya’t kinabahan siya at ka­agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Dito na natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay na gulung-gulo ang mga gamit at mistulang pinagnakawan pa dahil nawawala­ ang koleksyon nito na mga relo, gayundin ang kanyang cellphone.

Naniniwala naman si Galauran na posibleng ka­kilala ng biktima ang salarin at posibleng nagkainuman pa ang mga ito bago ang krimen dahil sa nakakalat na mga basyo ng alak at pulutan­ sa loob ng condo unit.

Inaasahan namang matutukoy kaagad ng mga awto­ridad ang identity ng mga salarin dahil sa nakuha nilang footage ng closed circuit television kung saan nakuhanan ang dalawang lalaking umakyat at pu­munta sa condo unit ng biktima.

vuukle comment

ANTONIO GALAURAN

CORONADO ST.

EAST WOOD

INVESTIGATION UNIT

ISANG INFORMATION TECHNOLOGY

LLANA

MANDALUYONG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with