^

Metro

Pagbabawal sa private vehicles sa EDSA, inilingan ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat muna umanong magkaroon ng masusing pag-aaral ang panukala ni LTFRB board member Ariel Inton na nagpapanukala na pagbawalan  ang mga pribadong sasakyan na dumaan sa EDSA tuwing rush hour.

Ito ang mariing pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kasabay nang pagsasabing ito ay ‘ unrealistic’ .

Sinabi ni Tolentino, kung ipapatupad ito ay mistulang ina­lisan na rin  ng karapatan ang mga pribadong sasakyan na magamit ang EDSA na siyang nagkokonekta sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila mula sa Caloocan hanggang sa Pasay City.

Hindi rin umano ito katanggap-tanggap lalu pa nga’t wala pa aniyang epektibong mass transport system  sa Metro Manila. Habang wala pa aniyang mass transport system,  mag-sheer volume  muna, sinabi naman nito, na overcapacity na sa mga sa­sakyan ang EDSA dahilan kung bakit matindi ang trapik dito.

Subalit, pag-off hours aniya bandang ala-1:00 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon  maluwag  naman aniya­ ang naturang lansangan

Ayon pa kay Tolentino,  ilan  sa kanyang nakikitang solusyon ay ang  inilabas  ng Civil Service Commission na four day work week scheme at  ang paggamit  ng alternatibong pamamaraan ng pagbiyahe katulad ng Pasig River ferry System.

Kaya aniya may mga pri­badong sasakyan ay dahil hindi nga maganda ang mass transport system sa bansa.  

vuukle comment

ARIEL INTON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CIVIL SERVICE COMMISSION

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY CITY

PASIG RIVER

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with