^

Metro

MMDA kontra sa panukalang pagbabawal sa private cars sa EDSA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpapasalamat si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Francis Tolentino sa mga nagbibigay ng mungkahi upang mapabuti ang trapiko sa bansa, ngunit sinabing kailangan ito ng masusing pag-aaral.

Sa panukala ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) member Ariel Inton  ay pagbabawalan ang mga pribadong sasakyan na dumaan sa EDSA tuwing oras ng pasok ng umaga kung saan bumabagal ang trapiko.

Sinabi ni Tolentino na “unrealistic” ang panukala dahil hindi kayang tugunan ng pampublikong sasakyan at mga tren ang dami ng mga taong bumabiyahe.

Sa kasalukuyan ay nasa 7,000 pampublikong bus, Metro Rail Transit at iba pang pampublikong sasakyan ang dumaraan sa EDSA.

“Nagpapasalamat tayo at may mga kababayan tayo na nagbibigay ng proposals pero katulad nga nung mga ibang proposals, dapat din po pag-aralan itong mabuti kasi parang inalisan na rin po natin ng karapatan iyong mga may sasakyan na bumiyahe sa lansangan so marami pong tututol dito dahil sa wala tayong mass transit system. So hangga't wala tayong ganun, hindi natin basta puwedeng ipagkait sa kanila yung paggamit ng kanilang sasakyan,” pahayag ni Tolentino.

Aniya, base sa datos ng MMDA ay mas marami pa ring tao ang sumasakay sa kani-kanilang mga sasakyan.

“Yung Friday natin northbound EDSA ay mga 327,000 private vehicles. Saturday northbound ay 121,000 private vehicles hindi rin nagkakalayo. Ang buses naman po 7,447 malaki talaga yung discrepancy,” paliwanag ng MMDA chair.

“Yung 121,000 private vehicles baka hindi magkasya sa bus na 7,000. Baka hindi realistic sa ngayon at kailangang pag-aralan muna nang maigi 'yung pagbabawal sa pribadong sasakyan na dumaan sa ating mga lansangan.”

Sinabi pa ni Tolentino na hangga't walang maayos na mass transport system ang Pilipinas ay hindi maaring ipatupad ang panukala.

“Kaya nga po may private kasi hindi maganda yung mass transport system natin. Bahagi talaga ng solusyon yung mass transit tapos yung nilabas nung Civil Service Commission na four-day work week at saka yung paggamit po alternatibong pamamaraan ng pagbibbyahe katulad ng Pasig River ferry service.”

Nakasaad sa mungkahi ni Inton na pagbabawalan ang mga pribadong sasakyan a EDSA tuwign alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

“We have to give priority to the public utility vehicles since private cars can find other roads apart from EDSA,” wika ni Inton.

vuukle comment

ARIEL INTON

CHAIR FRANCIS TOLENTINO

CIVIL SERVICE COMMISSION

INTON

SASAKYAN

TOLENTINO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with