^

Metro

Flyover sa Katipunan Road, itatayo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balak ng  Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) na lagyan ng instant flyover ang kahabaan ng Katipunan Road sa C.P. Garcia para ma­ibsan ang lumalalang trapik kapag pasukan ng mga estudyante.

Ito ang ipinahayag kahapon  ni MMDA Chairman Francis Tolentino  na napag-usapan na nila ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson ang paglalagay ng flyover sa naturang lugar.??

Nabatid, na pansamantala lamang ang  planong  itatayong  fly­over  sa C.P. Garcia, na ibinase ito  ng katulad na ginawa  sa San Fernando, Pampanga nang halos limang taon.

Pinostehan din ng mga traffic signal ang ilang bahagi ng Katipunan Road subalit ang  reklamo ng mga motorista ay  hindi synchronized ang mga ito.??

Kapag maikabit ang bakal na tinawag na “instan­t flyover”, tuluy-tuloy na ang mga sa­sakyang mula sa Ateneo­ De Manila na kakaliwa sa northbound ng C.P. Garcia.??

Ayon sa DPWH, ma­itatayo aniya ang naturang instant flyover tatlo hanggang apat na buwan.

 

vuukle comment

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DE MANILA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GARCIA

KATIPUNAN ROAD

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SAN FERNANDO

SECRETARY ROGELIO SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with