^

Metro

13-anyos binoga ng sekyu, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagmistulang ibon ang 13-anyos na totoy na nangangalakal ng basura matapos itong barilin ng isang security guard sa bahagi ng Sta. Ana, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mike Stainer ng # 1730 Road 3 sa Brgy. Punta, Sta.  Ana, Manila.

Sa tulong naman ng mga kasamahang na­ngangalakal ng bik­tima, positibong itinuro ang suspek na si Gerald­ Loyd Bantigue, 27, stay-in security guard ng Giant Eagle Security Agency.

Naganap ang insi­dente kamakalawa habang naka-duty ang suspek sa isang condominium sa panulukan ng Delas Alas at Carreon Streets sa nasabing lugar.

Nabatid na nangu­nguha ng basura ang biktima kasama ang tatlong bagets sa binabantayan ng suspek ay pinaalis sila nito kaya nagsitakbuhan at na­iwanan na ang mga nakuhang kalakal.

Makalipas ang ilang oras, binalikan ng apat ang naiwang kalakal subalit nakita ulit sila ng suspek kaya muling nagtakbuhan subalit naiwan ang biktima na siyang inabot ng pamamaril ng suspek, na nahulog pa sa Pasig River.

Sa ulat ni PO3  Marlon San Pedro ng Manila Police District-Ho­micide Section, dakong alas-3 kamakalawa nang lumutang ang bangkay ng biktima sa Pasig River sa bahagi ng Sta. Ana, Manila.

 

vuukle comment

CARREON STREETS

DELAS ALAS

GIANT EAGLE SECURITY AGENCY

LOYD BANTIGUE

MANILA POLICE DISTRICT-HO

MARLON SAN PEDRO

MIKE STAINER

PASIG RIVER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with