^

Metro

Mag-asawa itinumba sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang law firm employee at kanyang asawa matapos tambangan sa loob ng kanilang bahay ngayong Lunes.

Nakilala ang mga biktimang sina Ronaldo Batoto, 35, at Nina, na nasawi dahil sa tama ng bala sa balikat at dibdib.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, isang lalaking nakaitim na jacket ang nakitang lumabas sa bahay ng mga biktima sa kalye ng Geronimo sa distrito ng Sampaloc bandang alas-2 ng madaling araw.

Hindi naman ginalaw ng suspek ang limang-taong gulang na anak ng mga biktima.

Pitong basyo ng kalibre 45 ang natagpuan sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

AYON

BAHAY

BIKTIMA

GERONIMO

NAKILALA

NINA

PATULOY

PITONG

RONALDO BATOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with