^

Metro

Incineration sagot sa problema sa basura – MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Incineration  ang umano’y nakikitang solusyon ni Metro­politan Manila Manila De­velopment Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino para maibsan ang problema sa basura ng Metro Manila na isa sa pangunahing dahilan nang pagbaha kapag sumasapit ang tag-ulan.

Inihalintulad ito ng Tolentino sa Sweden, na ayon dito noong taong 1960 ay may incineration na ang naturang bansa, kung kaya’t hindi nagkakaproblema sa basura at wala rin aniyang pagbaha.

Idinagdag pa nito na ang naturang panukala ay nasa Kongreso na at umaasa sila na ito ay mapagbibigyan. 

Maging ang plastic ay tutunawin ng incineration at wala aniya siyang nakikitang problema sa pollution  dahil smokeless o smoke free naman aniya ang operas­yon nito at hindi ito magiging hazardous­.

Kapag aniya naipatupad ang incineration sa Metro Manila, maging ang problema sa basura ng karatig lalawigan  ay masosolusyunan na rin at hindi na rin aniya magiging problema ang pagbaha rito.

“Nagko-convert pa ng energy. That’s the only way para clear lahat ng basura mo sa ilog pati sa household. Pag nagawa natin yan baka pati basura ng mga karatig lalawigan gaya ng Bulacan, Rizal, Cavite kunin na rin natin.  Wala nang babara sa San Juan river. Mawawalan na rin ng basura sa Roxas Boulevard,” ani Tolentino.

Ibig sabihin, nasolusyunan na ang problema sa ba­sura at nakakapag-produce pa aniya ng elektrisidad.

Sinabi pa ni Tolention, nagpasa ng resolution ang Vice Mayor’s League ng Metro Manila at Metro Manila Council noong nakaraang linggo, na nanawagan para sa inci­neration project na maipatupad ito.

 

vuukle comment

BASURA

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

MANILA MANILA DE

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

ROXAS BOULEVARD

SAN JUAN

TOLENTINO

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with