^

Metro

Salpukan sa C-5: 2 patay, 5 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa ang nasawi habang lima ang nasugatan sa banggaan ng da­lawang sasakyan sa Bgy. Ugong, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na­­ki­lala ang isa sa mga na­matay na si Sonny Cristobal, 45, ng U29 Admiral Townhomes, South Admiral, Para­ñaque City at Crisanto Boseo na tumilapon sa sasak­yan. Ang dalawa ay idineklarang  dead on the spot.

Ang mga sugatan naman ay nakilalang sina Wilson Cristobal, 48, kapatid  na si Sonny, ng 27 Paltok St., Bgy. Pansol, Balara, Quezon City; Melquiades Saringan, 35; Mary Claire Faune, 35; Jessie Faune, Jr., 35; at anak nitong si Sandra Yvonne Faune, 16, na pawang residente ng U2007 L.E Mirage De Malate Tower 2126 Malate, Manila.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Carlito Guillarte, ng Vehicle Traffic Investigation Unit (VTIU) ng Pasig City Police, na dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng C-5 Road/ Ortigas Fly-Over, sa Bgy. Ugong.

Mabilis umanong tinatahak ng Mitsubishi Pajero (XBR-512), na kinalulula­nan ng magkapatid na Cris­tobal, Saringan at Boseo, ang south direction nang ma­walan ng kontrol ang
dri­ver nito sa manibela na naging dahilan upang bumangga ang sasakyan sa konkretong poste ng Manila Electric Company (Meralco).

Dahil sa lakas ng impact ay lumipat ito sa north­bound direction at bu­mangga sa paparating­ na Toyota For­tuner Wagon, na may conduction sticker­ na YF-8451, na kina­lulu­lanan naman ng pamilya
Faune.

vuukle comment

ADMIRAL TOWNHOMES

BGY

CARLITO GUILLARTE

CRISANTO BOSEO

E MIRAGE DE MALATE TOWER

JESSIE FAUNE

MANILA ELECTRIC COMPANY

MARY CLAIRE FAUNE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with