^

Metro

Obrero tumalon mula 3rd floor ng mall, lasog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang  construction worker matapos umano  itong tumalon  sa isang  shopping mall habang tinatakasan ang guwardyang tumu­tugis sa kanya sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Muntinlupa ang  biktimang si Amelito Ruaya, stay-in bilang­ construction worker sa EEI Project na matatagpuan sa Filinvest, Brgy. Alabang Muntinlupa City matapos mabagok ang ulo .

Base sa pagsisiyasat ni PO3 Reynaldo Par, ng Station Investigation and Detection Management Section (SIDMB), Muntinlupa City Police, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa ikatlong palapag ng isang mall sa National Road, Brgy. Alabang ng nasabing lungsod.

Base sa pahayag ng tes­tigong si John Joseph Denuevo, 31, isa ring cons­truction worker, nag-iinuman sila ng biktima sa All-Day convenience store sa naturang shopping mall nang makaramdam na ng pagkahilo at pagkalasing ang biktima ay hina-harass na umano nito ang mga empleyado ng nasabing convenience store.

Kung kaya’t nagsumbong ang isang empleyado sa isang guwardya  ng mall.

Pagdating ng guwardya   ay wala na ang biktima na mabilis palang umakyat sa ikatlong palapag ng mall at  tumalon hanggang sa bumagsak sa ground floor kung saan napuruhan ang ulo.

Agad namang isinugod ni Denuevo ang kanyang ka­samahan sa nasabing pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng matinding pagkakabagok ng ulo nito sa semento. (Lordeth Bonilla)

 

vuukle comment

ALABANG MUNTINLUPA CITY

AMELITO RUAYA

BRGY

JOHN JOSEPH DENUEVO

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

NATIONAL ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with