^

Metro

Pinay, 2 anak mula Japan, iniulat na nawawala

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Pinay at dalawang anak nitong lalaki  na nagmula sa bansang Japan ang umano’y nawawala, kamakalawa pa ng gabi sa Pasay City.

Alas-7:00 ng gabi nang magtungo sa Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police si Verlita Pe­rigrino, 51, ng Punta, Sta. Ana, Maynila upang i-report nito na hanggang sa ngayon ay hindi pa dumarating ang kanyang anak na si Susan Iwatsugo, at mga anak nitong sina Yuto at Kaito Iwatsugo, pawang mga Japanese national.

Ayon kay Perigrino, dapat aniya ay narito na ang kanyang anak at mga apo dahil ang dating ng mga ito sa Pilipinas ay noong Setyembre 15 ng taong kasalukuyan mula sa bansang Japan. 

Nang sunduin nila sa Ninoy Aquino Interna­tional Airport (NAIA) ay hindi dumating ang mag-iina. Subalit, sa rekord ng NAIA sa naturang petsa ay dumating sa Pilipinas ang isang Via PR 25 na rito sakay ang mag-iina.

Labis na nag-aalala ang mga kaanak ng mag-iina rito sa Pilipinas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa lumulutang o tumatawag man lang sa kanila ang anak.

Sa ngayon ay nagsa­sagawa pa ng follow-up at imbestigasyon ang Pasay City Police hinggil sa insidente.

vuukle comment

ISANG PINAY

KAITO IWATSUGO

NINOY AQUINO INTERNA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PILIPINAS

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

SUSAN IWATSUGO

VERLITA PE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with