^

Metro

Libu-libong pamilya sa QC, inilikas sa lampas tao na pagbaha

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunga ng walang humpay na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Mario, nagmistulang water world ang ma­raming barangay sa lungsod Quezon, kung saan tina­tayang nasa 5,000 residente ang inilikas at dinala sa iba’t ibang eva­cuation center dito, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Tactical Information Center, partikular na nilubog sa mataas na tubig baha na umabot sa mga bubungan ng bahay ay ang Brgy. Roxas  District at Ba­rangay Silangan.

Sa Roxas district, nasa 300 pamilya ang inilikas ng mga tropa ng QCPD station 10, at dinala sa mga evacuation center. Gumamit na ang awtoridad ng improvised na bangka para lang ma­ilikas ang naturang mga residente.

Partikular na inilikas ang mga pamilyang naninirahan malapit sa tulay dahil sa umabot na sa bubungan ng kanilang bahay ang tubig-baha rito.

Umapaw din ang tubig baha sa mga kabahayan sa Bagong Silangan kung saan may 400 pamilya ang iniulat na inilikas sa kani-kanilang mga tahahan.

Sa naturang barangay din iniulat na nasawi sa  pagkalunod habang inililikas ang isang 12- anyos na dalagita na hanggang sa kasalukuyan ay ina­alam pa ang pagkaka­kilanlan.

Lumubog din sa tubig baha ang Barangay Tatalon kung kaya maraming pamilya rin ang inilikas dahil sa umabot na hanggang lampas tao ang tubig dito.

Ayon pa sa ulat, may 500 pamilya ang nasa evacuation center sa Gen. San Diego, habang 800 pamilya naman ang inilikas sa Brgy. Apolonio covered court.

Alas-6 ng umaga ay nagpatupad ng pre­emptive evacuation ang pamunuan ng La Mesa dam sa mga pamilyang naninirahan malapit sa Tullahan river dahil sa pag-apaw ng tubig.

Dito ay inilikas ng mga rescue team ang mga lugar sa Fairview, Sta Lucia, Gulod, Baesa, Novaliches proper, Nagkakaisang Nayon, North Fairview, San Bartolome at Sta. Mo­nica.

vuukle comment

BAGONG SILANGAN

BARANGAY TATALON

BRGY

INILIKAS

LA MESA

NAGKAKAISANG NAYON

NORTH FAIRVIEW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with