^

Metro

Driver na holdaper, tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang tricycle driver na holdaper at isa pang kasabwat nito makaraang makahingi ng saklolo sa mga tanod ang kanilang binibiktima, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City. Hindi na nakapalag ang mga suspek na sina Erwin Venzon at Geronimo Gile, Jr. nang mapalibutan sila ng mga nag­respondeng barangay tanod.

Sinampahan ang dalawa ng kasong robbery holdup at attempted murder ng biktimang si Jason Singidas, 28, ng Libra Street, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, sumakay ang biktima sa ipinapasadang tricycle ni Venzon habang nakaangkas si Gile dakong alas-2 ng madaling-araw upang magpahatid sa kanyang bahay.

Sa halip na ihatid sa kanyang tirahan, dinala ng dalawang suspek ang biktima sa loob ng Raminel Subdivision sa Vicente Reales at dito tinutukan ng patalim saka pilit na hinablot ang dalang bag.

Nanlaban ang biktima kaya’t inundayan siya ng saksak ni Venzon na nasangga naman ng kaliwang kamay ni Singidas sanhi upang masugatan. Nagawang makatakbo ng biktima at makahingi ng saklolo sa mga nagrorondang barangay tanod na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.

vuukle comment

ARESTADO

ERWIN VENZON

GERONIMO GILE

JASON SINGIDAS

LIBRA STREET

RAMINEL SUBDIVISION

VALENZUELA CITY

VENZON

VICENTE REALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with