^

Metro

Trike driver butas ang noo sa lalaking pasahero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Butas ang noo ng isang 37-anyos na tricycle driver matapos barilin ng kanyang pasahero sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Naisugod  pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) pero hindi na umabot pang buhay ang biktimang  si Anthony Sibo, binata, residente ng Lecheros St., Tondo, Manila. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon para matukoy ang gunman na responsable sa pamamaril.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, na­ganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon nitong Biyernes sa ICTSI Road, South Access, Area A, Gate 6, Parola Compound, Tondo, Manila.

Sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas- 2:00 ng hapon nang sumakay sa tricycle na minamaneho ng biktima sa bahagi ng Divisoria market  ang lalaking pasahero na nagpahatid sa Parola Compound, at nag­sabing may susunduin lamang sa lugar at babalik din sa Divisoria.

Subalit sa pagsapit sa nasabing lugar, agad na pinaputukan ng suspect ang biktima sa noo at saka mabilis na tumakas­ papasok umano sa Gate 6 ng Parola Compound.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

 

vuukle comment

ANTHONY SIBO

AREA A

DIVISORIA

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

LECHEROS ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

PAROLA COMPOUND

SOUTH ACCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with