^

Metro

Patung-patong na kaso vs pulis na nag-amok sa Mandaluyong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos masibak sa puwesto, nahaharap naman sa patung-patong na kaso ang isang pulis na nambubugbog ng isang tricycle driver sa lungsod ng Mandaluyong.

Ayon sa ulat ng dzMM, kasong physical injury ang isasampa ng Mandaluyong police kay PO2 Leonard Sebial matapos makuhaan sa closed circuit television camera na sinasaktan ang tricycle driver na si Alvin Dela Cruz.

Nag-ugat ang insidente matapos magkulang umano ang bayad ni Dela Cruz kay Sebial nang manalo ang pulis sa pustahan sa basketball.

Isa pang tricycle driver na nakilalang si Cesar Vitores ang magsasampa rin ng kasong physical injury laban sa pulis matapos umano siyang suntukin din ni Sebial nang awatin niya ito.

Bukod pa rito, sasampahan din si Sebial ng kasong harassment at posibleng carnapping nang harangin ang tricycle ng mga biktima na magsusumbong sana sa isang TV station.

Plano pang idagdag ng mga biktima ang kasong threat dahil sa pagbabanta ng pulis sa mga tricycle driver.

Samantala, maaari ring maharap sa kasong administratibo si Sebial matapos imbestigahan ng National Police Commission ang insidente, dagdag ng ulat.

vuukle comment

ALVIN DELA CRUZ

AYON

BUKOD

CESAR VITORES

DELA CRUZ

ISA

LEONARD SEBIAL

MANDALUYONG

NATIONAL POLICE COMMISSION

SEBIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with