^

Metro

Derek posibleng makalaboso ng 12 taon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posible umanong makulong ng hanggang 12 na taon sa Bilibid ang aktor na si Derek Ramsay Jr. kung mapatunayang nagkasala siya ng pang-aabuso sa kanyang asawa’t anak.

‘Yan ang pananaw ni Atty. JV Bautista, matapos umanong labagin ni Ramsay ang probisyon ng Republic Act 9262 or An act penalizing violent acts against women and children. Pagmumultahin rin umano ito ng mula P100,000-P300,000.?

Matatandaang kinasuhan kamakailan si Ramsay ng kanyang sariling asawa matapos aniyang hindi nito suportahan ang kanyang mag-ina sa loob ng mahigit 11 taon. Ikinasal si Mary noong 2001 kay Derek sa Balagtas, Bulacan at matapos lamang ng ilang buwan, naghiwalay sila bunga ng pambubugbog at pambababae ng aktor.

Noong 2002, isinilang ni Mary ang isang sanggol na lalaki. Noong 2010, nagsagawa ng paternity test si Derek at napatunayang anak niya ito. Dala­wang beses nagpa-DNA at paternity si Derek.

Sampung taon uma­nong itinago sa publiko ni Derek ang kanyang mag-ina.

Ayon sa abogadong si JV Bautista, pinarurusahan ng batas ang abusong sikolohikal na ginawa ng isang lalaki laban sa babae, kahit na asawa ito ng biktima.

Sa ilalim ng RA 9262, kinikilala ang babae bilang tao at hindi pag-aari ng isang lalaki.

vuukle comment

AYON

BALAGTAS

BAUTISTA

BILIBID

DEREK

DEREK RAMSAY JR.

NOONG

RAMSAY

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with